24

Feb 18, 2020 @ 17:23
By

Higit 500 Pinoy sa Japanese cruise ship, sasailalim ulit sa quarantine sa ‘Pinas – DOH

Matatapos sa Pebrero 19 ang dalawang linggong quarantine period sa lahat ng mga pasaherong sakay ng Diamond Princess cruise ship na nakadaong sa Yokohama, Japan dahil sa coronavirus (COVID-19).

Bunsod nito, pinaghahandaan na ng gobyerno ng Pilipinas ang gagawing repatriation sa mahigit 500 Pilipinong sakay ng nasabing barko, 27 sa mga ito ay nagpositibo sa coronavirus.

Ayon kay DOH Public Health Services Team Asec. Maria Rosario Vergeire, pagdating ng mga Pinoy sa Pilipinas ay isasailalim uli sila sa 14 araw na quarantine upang makatiyak na malinis sila sa COVID-19.

Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung saang quarantine facility dadalhin ang mga Pinoy pero mayroon na raw na plano para sa repatriation ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?