6

By

5K toilet bowls, ipamimigay sa mga residente sa Baseco

Sharing is caring!

Magsasagawa ng clean-up drive at mamamahagi na rin ng mahigit limang libong toilet bowls ang pinagsanib na puwersa ng Department of Health at Department of Social Welfare and Development katuwang ang Villar Sipag Foundation sa Gasangan, Brgy. 649, Baseco Compound, Tondo, Manila.

Layon nito na mapanatili ang kalinisan at maiwasan na rin na magkaroon ng mga sakit dulot ng iba’t ibang dumi na kumakalat sa kanilang lugar dahil kung saan-saan na lamang sila dumudumi.

Sa pagdalaw ni Senate Committee on Environment and Natural Resources Senator Cynthia Villar sa Baseco Compound, sinabi ng senadora na ang kalinisan at malusog na komunidad ay susi upang mabuksan ang karagdagang livelihood opportunities.

Hinikayat din ni Villar ang government agencies na magtayo ng communal septic tank at toilet bowls para sa mga residente upang matugunan ang problema sa mahirap na sanitasyon sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?