34

Jan 3, 2022 @ 17:14
By

Higit 4,000 bagong nagpositibo sa COVID

Matapos ang pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon, unti-unting tumataas ang bilang ng nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa.

Nagsimula ang taong 2022 sa Pilipinas sa pagtatala ng 3,617 bagong COVID case kahapon, January 2.

Ngayong Enero 3, dagdag namang 4,084 katao ang bagong nagpositibo, pumalo rin ang positivity rate sa 20.7%.

Metro Manila pa rin ang nangungunang rehiyon na may mataas na bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo, sumunod ang Calabarzon at Central Luzon.

Dahil dito, akyat sa 24,992 ang aktibong kaso sa bansa o iyong kasalukuyang may sakit dulot ng COVID.

Samantala, dagdag 16 naman ang nasawi na nagpataas sa PH COVID death toll sa 51,586, habang 497 pasyente ang bagong gumaling sa coronavirus. (IS)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?