39

Apr 14, 2020 @ 12:47
By

Higit 400 paaralan gagawing COVID-19 quarantine site – Duterte

Hindi bababa sa 473 pampublikong paaralan ang inaprubahang gagamitin ng 95 lokal na gobyerno sa bansa bilang quarantine area sa COVID-19.

Sinabi ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong lingguhang ulat sa Kongreso, bagaman hindi niya tinukoy kung saang mga lugar nakapwesto ang mga nasabing paaralan.

95 sa 209 request ng mga pamunuan ang inapruba na ng Department of Education, ayon pa sa Pangulo.

“[T]he other requests are either undergoing evaluation or awaiting additional documents for compliance,” ani Duterte.

Sa isang memorandum noong Marso 26, hinayaan na ni DepEd Secretary Leonor Briones sa regional directors ang pagdedesisyon kung papayagan ang request ng mga lokal na gobyerno hinggil sa COVID-19 quarantine area, basta aniya’y merong evaluation ng schools division superintendent, at konsultasyon sa pamunuan ng paaralan at sa Department of Health.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?