25
ABANTE arestado retired police arrested jail crime
Mar 24, 2018 @ 17:24
By

Higit 400 huli sa anti-crime drive ng SPD

Umabot sa 433 katao ang naaresto sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ng Southern Police District (SPD) sa iba’t ibang bahagi ng katimugang Metro Manila.

Kabilang sa naaresto ang No. 3 Most Wanted Person ng Taguig City at No. 5 Most Wanted Person sa Pateros.

Sinabi ni SPD Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, sa mga naaresto, 51 ang may warrant of arrest at walo naman sa pagsisilbi ng search warrants kaugnay sa droga.

Nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon ang kabuuang 115 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng higit kalahating milyong piso, 12 sachets ng marijuana at samu’t saring drug paraphernalias.

Bukod dito, 107 motorsiklo rin ang kinumpiska dahil sa kawalan ng dokumento.

May apat na baril din ang kinumpiska, dalawang granada at mahigit 100 piraso ng mga bala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?