41

By

Higit 40 sabungero kinulong sa QC

Nagmistulang mga nabulabog na manok ang 45 sabungero nang salakayin at pagdadamputin ng mga awtoridad sa Quezon City, Lunes ng umaga.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director PBrig. Gen. Ronnie Montejo, dakong alas-11:00 ng umaga (December 9) nang salakayin ng mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) sa pamumuno ni PMaj. Manuel Dela Cruz Jr. ang illegal cockfighting o “tupada” sa Brgy. Payatas.

Nakatanggap umano ang DSOU ng impormasyon sa ginaganap na tupada sa Acapulco Alley, Aloe Vera St., Lower Jasmin kaya bumuo ng raiding team ang mga awtoridad at sinugod ang sabungan.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 2 pangsabong na manok at P11,000 cash na may iba’t ibang denominasyon na sinasabing mga taya sa nasabing sugal.

Ang mga nadakip na sabungero ay kinasuhan ng paglabag sa PD1602 (Gambling Law).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?