244

Jul 27, 2019 @ 17:25
By

Higit 300K nawalan ng trabaho sa pagpapasara sa PCSO games

Aapela ang tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maibalik ang lotto, small town lottery at iba pa nilang laro.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, nakatakda silang umapela at makiusap sa tanggapan ng Office of the President para sa pagpapabalik ng lahat ng PCSO games na isa rin sa pinakikinabangan ng mga benepisyaryo na nangangailangan ng medical support.

Umaabot naman sa mahigit 300,000 na mga STL organic employees, sales supervisor, sales agent at representative ang agarang nawalan ng trabaho dahil sa pagpapasara sa lahat ng PCSO games.

Sa ngayon ay kailangan munang sumunod ng pamunuan ng PCSO sa kautusan ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?