59

Apr 4, 2020 @ 22:44
By

Higit 300 Pinoy marino galing Italy, Portugal balik ‘Pinas na

Nasa higit 300 Pilipino marino galing sa mga bansa na dinapuan ng virus ang nakabalik na sa Pilipinas, Sabado ng hapon ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, 185 Pinoy crew mula sa MSC Splendida na nakadaong sa Italy, at 122 pang crew ng MSC Fantasia na galing sa Portugal ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport dakong alas-1:12 ng hapon.


Sasailalim ang mga marino sa 2 linggong mandatory quarantine para maiwasan ang posibilidad na nahawa sila sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?