7

Dec 1, 2020 @ 17:43
By

Higit 300 kaso sinampa sa anomalya sa SAP

Aabot na sa 300 kaso ang nakahain kaugnay ng ilang anomalya sa pamimigay ng ayuda mula sa social amelioration program (SAP).

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, 27 na kaso tungkol sa SAP ang muling sinampa sa Ombudsman, habang 270 naman ang nasa Prosecutor’s Office na.

30 na kaso naman ang umabot na sa mga trial court.

Ang mga criminal case na kaugnay ng SAP ay pasok sa paglabag ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), RA 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards), at Bayanihan to Heal as One Act,habang may ilan ding pasok sa robbery extortion at grave threat.

Habang sa mga administrative case naman, 184 na ang na-refer sa Prosecutor’s Office, 57 sa korte, at 66 ang nasa Ombudsman.

Aniya pa, nasa 89 barangay chariman na ang suspendido dahil sa anomalya sa SAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?