169
Sa first half ng 2019, alagang baboy kumonti nang 0.6% - PSA
Jan 21, 2020 @ 14:08
By

Higit 300 baboy pinatay sa Pangasinan

Mahigit sa 300 na baboy ang dumaan sa culling o pagpatay dahil sa African Swine Fever (ASF) sa dalawang barangay sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Kinumpirma ito ni Assistant Provincial Veterinarian officer Dr. Jovito Tabarejos matapos na magpatawag ng emergency meeting si Pangasinan Gov. Amado Espino III dahil sa muli na namang pagkakatala ng ASF sa ilang lugar sa Pangasinan.

Ayon kay Tabarejos, sa kanilang patuloy na pag-iimbestiga, ang pagkamatay ng ilang mga baboy sa Bangay Linoc, Binmaley, natuklasan na galing sa bayan ng Malasiqui ang ilan sa mga ito na binili para sa isang kasalan subalit namatay na bago pa man makatay dahil sa sakit.

Aniya, galing ang baboy sa Barangay Apaya, Malasiqui na nakapagtala din ng pagkamatay ng mga baboy kaya’t kumuha din sila ng mga blood sample kung saan ito ay nagpositibo sa ASF.

Dahil dito, ayon pa kay Tabarejos, pinatay na o sumailalim sa culling ang hindi bababa sa 300 baboy sa Barangay Apaya at kalapit nitong Barangay Tulong.

Sinabi ng opisyal na siniguro ang ayuda ng pamahalaang panlalawigan para sa mga apektadong hog raiser.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?