24

Dec 15, 2017 @ 16:48
By

Higit 2K bills, naaksyunan ng Kamara – Fariñas

Aabot sa 2,100 panukala at resolusyon ang trinabaho ng mga kongresista mula nang mag-umpisa ang sesyon noong Hulyo ng nakaraang taon hanggang ngayong Disyembre.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, naisabatas ng Kamara ang 29 na panukala.

Kabilang diyan ang pagpapaliban ng barangay elections, 2017 national budget, passport validity extension, free wifi, driver’s license validity extension, free college tuition at revisions ng penal code.

Gayundin ang dalawang priority legislation — ang tax reform package at 2018 national budget.

Sabi ni Fariñas, naratipikahan din ng Kamara ang 12 bicameral conference committee reports.

Mahigit 350 bills naman ang naaprubahan sa 3rd reading kabilang ang pagpapalakas sa HIV-AIDS policy sa Pilipinas, retirement benefits para sa Ombudsman, anti-discrimination bill, national ID system at universal health coverage.

Ang mga joint resolution naman na pumasa sa 3rd reading ay ang dagdag-sahod sa mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?