23

Sep 8, 2021 @ 12:16
By

Higit 1M COVID vaccine naiturok sa Taguig City

Higit isang milyong COVID-19 vaccine na ang ipinamudmod ng Lungosd ng Taguig sa kanilang mga residente simula nang umarangkada ang kanilang malawakang pagbabakuna noong Marso.

Ayon sa isang pahayag, 1,015,029 COVID vaccine na ang naiturok nila sa eligible persons sa kanilang lugar.

“Taguig City attributes this milestone to the hard work of every healthcare and essential worker in the City who has largely contributed to contact tracing, vaccination efforts, and Taguig’s continuous implementation of the Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategy versus COVID-19,” saad ng kanilang lokal na pamahalaan sa isang pahayag.

Dagdag pa rito, mas paiigtingin umano nila ang mga community-based vaccination para mas mapabilis pa ang kanilang pagbabakuna.

“Alongside the local government’s aggressive vaccination efforts in all vaccination hubs, Taguig will continue to focus on community-based vaccination through the Taguig Mobile Vaccination Bus, Mobile Vaccination Team, and Home Service Vaccination for bedridden citizens,” dagdag pa nila.

Ayon sa ulat ng GMA News, isa ang Taguig kasama ang Maynila at Quezon City sa mga lungsod na lumampas na sa one million mark sa kanilang pagbabakuna kontra COVID.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?