127

Nov 24, 2019 @ 19:24
By

Higit 1K traffic violator huli sa ‘one-time bigtime’ ops

Umabot sa 1,123 traffic violator ang naaresto ng Law Enforcement Service ng Land Transportation Office (LTO) sa ikinasang “one-time bigtime” operations nitong Biyernes.

Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, karamihan sa mga nahuling motorista ay naaresto sa mga paglabag sa hindi pagsusuot na seatbelt, helmet sa mga naka-motorsiklo, distracted driving, overspeeding at overloading. Habang isa lang ang hinuli dahil sa palsong lisensiya at positibo sa paggamit ng iligal na droga.

Katuwang ng LTO sa isinagawang crackdown ang Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon sa LTO, layunin ng one time crackdown na maiwasan ang aksidente sa kalye at pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahigpit na pagpapatupad ng mga batas trapiko.

Bukod sa Metro Manila, magsasagawa rin ng crackdown ang LTO at iba pang ahensiya ng gobyerno sa mga traffic violator sa buong bansa.

Ang “one-time bigtime” operation ay ikinasa matapos ang nangyaring malagim na aksidente sa Apayao nitong Oktubre 30, nang mahulog sa bangin ang overloaded elf truck fell kung saan ay 19 sakay nito ang namatay, at ang banggaan ng bus at UV Express sa Camarines Sur na may walong pasahero naman ang nasawi nangyari nitong Nobyembre 6.

“The LTO has been conducting operations against road traffic violators, in coordination with various concerned agencies. This continuing activity aims to prevent road crashes nationwide,” dagdag ng LTO chief.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?