10

By

Higit 1K ang naaresto sa balik-drug war sa PNP

Sharing is caring!

Aabot na sa 1,096 drug suspects ang naaresto sa nakalipas na isang buwan mula nang bumalik sa kampanya kontra droga ang Philippine National Police (PNP).

Ito ay batay sa datos ng PNP National operations Center mula Disyembre 5, 2017 hanggang Enero 4, 2018.

Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt. Dionardo Carlos, boluntaryong sumuko naman ang 708 sa magkakahiwalay na operasyon at siyam na tokhang activities na inilunsad iba’t ibang police regional offices.

Nasawi naman sa operasyon ang isang pulis habang isa ang sugatan. Wala ring casualties sa panig ng Armed Forces of the Philippines.

Kaugnay nito, lima lang ang naitalang “Deaths in Police Operations” sa loob ng nakalipas na buwan. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?