75

Dec 2, 2021 @ 18:25
By

Higit 14K AstraZeneca inayawan, napanis sa Negros Occidental

Mahigit 14,000 jab ng AstraZeneca vaccine ang na-expire sa Negros Occidental.

Ayon sa namamahala ng distribusyon ng bakuna sa lugar na si Dr. Caludelia Pabillo, 14,620 ng AstraZeneca ang na-expire noong Nobyembre 30.

Inihatid umano 45,300 bilang ng nasabing bakuna, ngunit hindi lahat ay naiturok sa mga residente.

Ito ay matapos na ayawan umano ng ilang munisipalidad dahil mas gusto umano ng mga ito ang mga bakuna na hindi pa mag-e-expire.

Dagdag pa niya, pinili ng mga munisipalidad ang mga bakunang hindi pa mag-e-expire upang mas makahikayat ng mas maraming residente.

Ibabalik naman sa Department of Health-Region 6 ang mga nag-expire na bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?