197

Dec 6, 2017 @ 16:20
By

Higit 12K huli sa paglabag sa yellow lane

Sa mahigit dalawang linggong istriktong pagpapatupad ng yellow lane sa EDSA, nasa lagpas 12,000 na mga motorista na ang nahuling lumabag dito.

Base sa datos na ipinalabas ng Metro Manila Development Authority (MMDA), simula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 5, nasa 12,055 ang nahuli.

Malaking bilang ng mga nahuli ay mga pribadong motorista na lumabag sa yellow lane rule.

Samantala, karamihan din sa mga nahuli ay sa pamamagitan ng no contact apprehension gamit ang mga CCTV cameras.

Mahigpit ang muling pagpapatupad ng yellow lane rule para mapagaan ang daloy ng mga sasakyan na bumabagtas sa EDSA mula alas-sais ng umaga hanggang alas-nuwebe ng gabi. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?