50

Dec 27, 2017 @ 14:50
By

Higit 120-M prepaid subscribers, masaya sa load extention

Tinatayang nasa mahigit 120 milyong cellphone prepaid subscribers ay masaya matapos ianunsiyo ang pagkakaroon ng load extention sa lahat ng prepaid subscribers.

Sa kabila ng mga natatanggap na reklamo mula sa kinakaing load ng telecommunication companies na Globe, Smart, Sun at iba pang networks ay agad na gumawa ng aksyon ang pamahalaan.

Batay sa report na nakalap, sa 130 milyong cellphone subscribers sa bansa ay mayroon nang umaabot sa 123.5 milyon ang nakikinabang sa paggamit ng prepaid loads.

Kaugnay nito, isang joint memorandum circular ang nabuo sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) upang mapalawig ang validity ng paggamit ng prepaid load mula sa anim na buwan na ngayon ay aabot na sa isang taon.

Magsisimula ang load extention ngayong Enero 5, 2018.

“They feel na minsan kinakain ‘yung load nila by some glitch in the software ng telcos. Sa initiative ng DTI, to answer this complaint of consumers, extended lahat ng load to one year,” ayon kay Eliseo Rio Jr., acting DICT secretary.

Nabatid na anumang halaga ng prepaid load ay magkakaroon ng isang taong bisa umpisa sa pagpapa-load nito sa cellphone line ngunit hindi makakasama sa load extention ang may load promo, base sa permit na ibinigay ng DTI at NTC. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?