28

Jan 5, 2022 @ 16:18
By

Higit 10K tinamaan ng Covid 19 — DOH

Lumagpas na sa 10,000 ang pinakabagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Miyerkoles, Enero 5.

Nasa 10,775 indibidwal ang naitalang tinamaan ng Coronavirus ngayon na umabot sa kabuuang 2,871,745 ang bilang ng mga nagkasakit.

Umakyat din sa 39,974 ang aktibong kaso sa bansa.

Halos 88 porsyento dito ay asymptomatic at mild ang sintomas.

Umabot naman sa kabuaang 2,780,109 ang mga gumaling na pasyente matapos na makarekober ang 605 nitong araw.

Habang nasa kabuuang 51,662 naman ang namatay matapos masawi ang 58 na indibidwal.

Samantala, idineklarang nasa “critical risk” na ang National Capital Region (NCR) dahil sa hindi mapigilang pagdami ng mga nagkaka-COVID.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?