49
views
missile11

Higit 100 missiles pinakawalan sa Syria – Russia

Sharing is caring!

Mahigit 100 na umanong missiles ang tinira ng US at kaalyado nito sa Syria, habang ang iba ay naharang ng Syrian air defenses, ayon sa Russian defense ministry.

“More than 100 cruise missiles and air-to-land missiles were fired by the US, Britain and France from the sea and air at Syrian military and civilian targets,” sabi umano sa pahayag ng ministry.

Wala umanong tinamaan sa Western strikes sa Syria na sakop ng air defenses ng Russia sa Hmeimim air base at naval facility sa Tartus.

Mula umano ang missiles sa mga barko ng Amerika sa Red Sea at sa tactical aircraft sa Mediterranean at US strategic bombers malapit sa Al-Tanf base.

Nakatakda namang maglabas ng press briefing ang ministry sa mga susunod na oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?