309

Jan 9, 2022 @ 13:47
By

Higit 100 kilong bola gawa sa buhok ng tao pasok sa Guinness World Record

Nakapasok sa Guinness World Record ang higit 100 kilong bola na gawa sa buhok ng tao.

Sinimulan ito ng isang may-ari ng salon bago ito ibigay sa Ripley’s Believe It or Not! museum.

Sinabi ni Steve Warden, may-ari ng Blockers salon sa Cambridge, na naging inspirasyon niya ang kanyang anak na simulan ang hairball gamit ang mga buhok mula sa kanyang mga customer.

Nang ito ay tuluyang lumaki, itinampok ito sa Ripley’s Believe It or Not!

“From there, it was possibly going to go into a museum and it was pretty much going to end there,” pahayag ni Warden sa Guinness World Record.

Dinala ang bola sa Orlando Comic Con ng nasabing museum at hiniling sa mga dumalo na magkabit ng kanilang sariling buhok upang lumaki pa ang bola para makapasok sa Guinness World Record.

Opisyal na tinimbang ang hairball nitong Disyembre at may bigat itong 102 kilo; binasag nito ang record na 75 kilo na itinakda ng Missouri barber na si Henry Coffer noong 2014.

Ayon kay Warden, binago nito ang kaniyang buhay.

“It actually has changed my life. I did it because of the love for my children and my future grandchildren, and just to show that you know, if you have a crazy idea, don’t worry about what people are thinking, just do it,” ani Warden. (Sherrylou Nemis)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?