18

Jan 13, 2022 @ 16:21
By

Higit 100 kawani ng PCG tinamaan ng Covid

Higit sa 100 kawani ng Philippine Coast Guard ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa PCG nitong Huwebes, nasa 133 mga opisyal at tauhan mula sa headquarter ang nahawaan ng Coronavirus.

Dagdag pa riyan, ang mga nagpostibong kawani ay naka-quarantine na ngayon sa kani-kanilang tahanan.

Dahil dito, isinailalim sa temporary lockdown ang headquarters ng PGC, kasama na pati ang Office of the Deputy Chief of Coast Guard Staff for Comptrollership (CG-6), Coast Guard Public Affairs, at Coast Guard Finance Service simula Enero 10 hanggang 14.

Samantala, tiniyak naman ng ahensya na nag-abot sila ng tulong medikal sa mga ito. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?