alak
By

Higit 100 katao patay sa kontaminadong alak sa Indonesia

Sharing is caring!

Umakyat na sa mahigit 100 na katao ang namatay matapos uminom ng alak na kontaminado ng kemikal sa Indonesia.

Ayon sa ulat, bunga umano ito ng pagbabawal ng bansa sa ilang libong minimarts at convenience stores na magbenta ng alak noong 2015 at mataas na buwis sa naturang inumin kaya’t napipilitan ang ibang mamamayan nito na bumili sa black market o sa mga homemade.

Nakaranas umano ng pagkahilo, panlalabo ng paningin at kawalan ng malay ang mga nabiktima ng kontaminadong alak.

Iprinisinta ng pulisya ang pitong naarestong suspek sa news conference maging ang nakumpiska nitong alak sa ginawang mga pagsalakay.

Ilan sa mga alak ay nasa plastic bags na ibinebenta ng $1.80.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?