55
military-plane
By

Higit 100 katao patay sa bumagsak na military plane sa Algeria

Sharing is caring!

Nasa mahigit 100 katao umano ang pinaniniwalaang namatay matapos mag-crash ang isang eroplano ng militar na sakay ang mga sundalo at kakalipad pa lang sa Algeria.

Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng pagbagsak nito ngayong Miyerkoles ng umaga.

Ilang ambulansiya at mga sasakyan ng Red Crescent ang dumating sa crash site.

“There are more than 100 deaths. We can’t say exact how many at this point,” ani Mohammed Achour, tagapagsalita ng civil protection agency.

Kakalipad pa lang ng eroplano mula sa Boufarik military airport, isang air force base malapit sa kabisera na Algiers nang mag-crash.

Bumagsak ang Soviet-designed Il-76 military transport plane sa agricultural zone na walang mga nakatira.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?