89
Ronald Cardema
May 25, 2019 @ 20:56
By

Higit 10 petisyon inihain vs Cardema substitution

Mahigit 10 na petisyon na kumokontra sa hirit ni dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema na maging substitute-nominee ng Duterte Youth party-list group ang inihain sa Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, hindi pa nareresolba ng komisyon kung eligible ba o hindi si Cardema na maging substitute dahil kinakailangan pa nilang pag-aralan ang mga petisyon.

Matatandaang bago ang eleksyon limang original nominees ng Duterte Youth kabilang na ang misis ni Cardema na si Ducielle Marie Suarez ang nagpasa ng “petition to withdraw their nomination”.

Kinuwestiyon ito ng iba’t ibang grupo kabilang na ang mga poll watchdog na Kontra Data at Millennial PH dahil kalokohan umano sa election system ang ginagawa ng Duterte Youth at ni Cardema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?