28

Sep 16, 2020 @ 15:36
By

Higit 10 food delivery rider na-scam

Dismayado ang hindi bababa sa 10 food delivery rider na nagkumpulan sa isang nayon sa Las Piñas City at pawang nagantso ng isang tao.

Isang “AJ Pande” ang tinuturong maysala sa scam gamit ang food delivery service app na Foodpanda.

Ayon sa saksi na si Natalie dela Cruz, na pinost ang nangyari sa social media, sinabi raw ng mga rider na paiba-iba raw yung ginamit na cellphone number nung suspek pero iisang address lang ang nilagay.

Walang “AJ Pande” na nakatira sa tinukoy na address sa mga rider, at senior citizen ang lumalabas sa naturang bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?