149

Feb 1, 2020 @ 17:30
By

High-value target, bulagta sa Laguna drug ops

Patay ang isang lalaki na umano ay kasama sa high-value target drug personality ng Philippine National Police sa buy-bust operation sa Calamba City, Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ng Calamba City police ang napatay na si Jayvie Bayani, alyas Diglo, 28-anyos, miyembro umano ng Fajardo Drug Group ng Laguna.

Batay sa report, isinagawa an buy-bust operation laban sa suspek sa Batino-Calamba-Tagaytay Road sa Brgy. Baranda dakong alas-3:20 ng madaling-araw.

Subalit nakatunog umano ang suspek at pinaputukan nito ang isang pulis na tumayong poseur buyer at saka sumakay sa isang kotseng Toyota Vios at mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Tagaytay City.

Nagkaroon ng habulan subalit nasabat ang suspek ng mga tauhan ng Laguna Police Mobile Force company na nagmamando sa ikinasang checkpoint.

Muling nagkaroon ng palitan ng putok na nagresulta sa agarang pagkamatay ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?