By

High-tech na pagkilatis sa magpupulis inilunsad

Sharing is caring!

Inilunsad ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang makabagong sistema ng pagkilatis sa mga aplikante para maging pulis.

Gagamit na ito ng medical equipment na Robust Neuro-Psychiatric, Medical and Dental System for Police Applicants (RONMEDDS) na donasyon ng SM Foundation sa PNP.

Ayon kina PNP Chief Director General Oscar Albayalde at NCRPO Director Camilo Cascolan, ang RONMEDDS ay full computerization ng pagpoproseso ng police applicants para hindi na madaya at hindi mapasukan ng katiwalian.

Sa ilalim nito, hindi lalagyan ng pangalan at litrato ang application forms at mga dokumento na gagamitin ng mga aplikante na sasailalim sa neuro-psychiatric at physical examinations.

Sa halip, lalagyan ang mga ito ng bar code na papasukan ng data ukol sa resulta ng pagsusulit at kaagad iyong papasok sa data base.

Sinabi ni Albayalde na kailangan itong gawin para ang mga karapat-dapat lamang ang makapasok sa PNP.

Mayroon kasi umanong bumabagsak sa mga pagsusulit pero nakakapasok sa serbisyo dahil nanunuhol at mayroon din noong switching o ibang tao ang sumasailalim sa medical examination o kaya ay dinodoktor ang resulta ng mga pagsusuri.

“Putulin natin sa umpisa pa lang ang katiwalian sa PNP,” ani Albayalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?