88

Oct 17, 2017 @ 17:31

High School nilooban, 4 na units ng CCTV natangay

Pinasok ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan ang isang public school sa Navotas kung saan tinangay ng mga ito ang ilang kagamitan ng paaralan kabilang ang closed circuit television o CCTV camera.

Sa ulat ng Navotas City Police, alas 8:00 pasado ng umaga nang madiskubre ng isang guro sa paaralang Kaunlaran High School na matatagpuan sa kahabaan ng Bangus Street, Barangay North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod ang insidente partikular na sa administration office ng eskuwelahan.

Ayon kay Aratok Musa, 46 anyos, guro sa nasabing paaralan, pagdating umano niya sa kanilang school ay napansin niya agad na nagkagulo-gulo na ang mga kagamitan sa loob.

Wasak din ang bintana kaya ipinagbigay-alam nila ito sa mga pulis,

Nang siyasatin, nadiskubreng natangay ng mga kawatan ang isang wireless bluetooth microphone na nagkakahalagang P3,500, recorder, iba pang mga kagamitan at apat na units ng CCTV. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?