157

By

High end shops sa Okada, ipinasara

2 high end apparel stores at 1 international perfume shop ang ipinasara ng Parañaque City government sa loob ng luxury resort hotel na Okada Manila sa Entertainment City.

Iniutos ang pagsasara dahil sa pagpapabaya sa pagbabayad ng business fees at permits ng nakalipas na taon para sa Tommy Hilfiger, American premium clothing company; at Joe Fresh, isang fashion brand and retail chain, kabilang ang mga footwear, beauty at cosmetics. Isinara din ang Jo Malone London, isang British perfume and scented candle brand, na makikita sa ground floor ng Okada Manila.

Ayon kay Atty. Melanie Soriano-Malaya, hepe ng city business permits and licensing office (BPLO), ang 3 retailer stores ay pumalya sa pagbabayad ng kanilang obligasyon sa taunang business permit sa kabila ng maagang pagpapadala ng demand letters.

Matatandaang, ipinasara ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa BPLO ang 33 Chinese-run restaurants na nago-operate na walang kaukulang business permits at paglabag sa city ordinances, noong dalawang lingo na ang nakalilipas.

Karamihan sa mga establisimentong ipinasara ay makikita sa kahabaan ng Quirino Avenue, boundary ng Barangay Baclaran at Tambo na kung saan makikita ang mga restaurants na nagsisilbi sa mga Chinese workers ng Philippine Offshore Gaming Operators.

Nilinaw ni Soriano-Malaya na ang tatlong tenants ng Okada Manila ay hindi lumabag sa city ordinances bagkus ay pumalya lamang na mag-renew ng kanilang business permit costs, mayor’s permit fee at iba pang tax arears sa nakalipas na dalawang taon.

Nagpapakita lamang na ang Olivarez administration ay seryoso sa pagsilip sa mga negosyong hindi sumusunod sa tama at nakakalimot sa obligasyon bilang isang taxpayers, local man o foreign investor-businessman na nasa siyudad.

“Walang palakasan o favoritism dito,” ayon pa kay Soriano-Malaya, “As long as they neglect paying their annual business dues, ipapasara namin ang negosyo nila sa lungsod kahit sila ay negosyanteng nagmula pa sa China, America, Canada o Iceland.”

Sa kabila nito, nagbabala si Mayor Olivarez sa pitong Chinese-run restaurants sa Multinational Village sa Barangay Moonwalk na boluntaryong isara na ang kanilang establisimento matapos makita na lumabag sila sa ilang city ordinances.

Una nang ipinasara ng BPLO inspectors ang Shangyin Restaurant; YY Shabu Shabu and Grill; Sticklove Restaurant; Parkson Mart,; LSSA Entrance Food Mart; and All Things Supermart, sa Multinational Village matapos malaman na ang mga nagtatrabahong Chinese nationals na restaurant cooks, waitresses at staff ay walang valid work permits at gumagamit ng Filipino dummies para magnegosyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?