29

By

Higanteng video board bubungad sa Chase Center

Higante sa salitang higante ang video board sa labas ng bagong tahanan ng Golden State Warriors, ang Chase Center sa San Francisco.

Sobrang laki, ang photo na ipinoste ng Chase Center ay kasing-taas ng apat na palapag ng building na katabi.

Ang crane na nasa ibaba, nanliit.

Pagpasok ng arena, manliliit din ang titingala sa video board.

Kapag hindi nakapasok sa loob, puwede nang mag-de-kuwatro sa labas at manood sa giant board.

Mula sa 2019-20 season ay sa Chase Center na ang home arena ng Warriors.

Ang “ORACLE” na nasa dating home turf ng Dubs sa Bay Area, inalis na rin. Walang linaw kung ano na ang bagong itatawag dito, pero pagdarausan na lang daw ng ibang events at concerts.

Bibinyagan ang Chase Center sa Oct. 24, iho-host nina Stephen Curry, Draymond Green at ng Warriors sina Kawhi Leonard, Paul George at Los Angeles Lakers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?