149

Higanteng ‘globster’ inanod sa Oriental Mindoro

Isang misteryosong “globster” ang napadpad sa karagatan ng San Antonio, Oriental Mindoro noong Biyernes.

Kahit hindi maganda ang amoy mula sa anim na metrong haba ng mabuhok na sea creature ay pinag-umpukan pa rin ito ng mga lokal na residente sa lugar dakong alas-siyete ng gabi.

Ilan sa mga residente ang nangangamba na may hatid itong bad omen o masamang pangitain.

Suspetsa naman ng ilang lokal na awtoridad, isa lamang itong nabulok na katawan ng balyena, na sinusuri na ngayon ang DNA sample.

Hindi ito ang unang insidente na may inanod na mabuhok na hayop mula sa karagatan, noong Pebrero 2017, isang misteryosong “hairy” creature rin ang napunta sa pampang ng Dinagat Island.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?