59

May 12, 2021 @ 9:43
By

Higanteng face shield ni Moira, walang silbi

Marami ang naaliw sa dambuhalang face shield ni Moira dela Torre habang nasa isang event.

Ngunit may mga netizen din na nakapansin na tila wala ding nagawa ang napakalaking shield kontra COVID-19.

Sa isang parte kasi ng video, makikita na binitawan ni Moira ang anti-COVID shield, at lumapit sa isang guest.

Matapos nito’y tinutok pa ng singer ang microphone sa guest at pinakanta.

Dahil dito’y ilang netizen ang kumwestyon sa ginawa ni Moira.

Ayon naman sa uploader ng video, nangyari ang event bago ang modified enhanced community quarantine (MECQ), at dinagdag pa na sa Balesin Island ito ginanap na umano’y COVID-19 free.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?