25

Sep 7, 2021 @ 15:37
By

Higanteng butanding bumulaga sa GenSan

Isang higanteng butanding ang bumulaga sa baybayin ng Calumpang, General Santos City.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Lunes, naispatan ang giant butanding sa Purok Lower Putingbato ng naturang bayan.

Anila, ito ang unang beses na may lumitaw na malaking butanding sa nasabing barangay.

Bukod dito, una nang napadpad ang isa ring butanding sa Barangay Dadiangas South na anila’y lumapit din sa dalampasigan.

Batay sa report, pinuntahan na ng mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resource ang Barangay Calumpang at binalaan ang mga residente doon na huwag hahawakan ang mga butanding para hindi ito ma-stress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?