52

Aug 31, 2021 @ 16:25
By

Higanteng blue marlin nalambat sa Quezon

Isang higanteng blue marlin ang nahuli ng mga mangingisda sa Lamon Bay, Quezon Province nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng GMA News, tinatayang nasa 15 talampakan ang haba ng isda at may bigat na mahigit 100 kilo.

Batay sa report, nahuli ang malaking isda sa dagat ng Barangay Matinik, Lopez.

Anila, dahil sa bigat nito, kinailangang magtulong-tulong ng ilang tao roon para maibaba ito sa bangka.

Sambit ng mga mangingisda sa lugar, first time nilang makabingwit ng ganoong kalaking isda.

Agad naman itong dinala sa palengke sa Calauag, Quezon para ibenta.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?