64

Aug 4, 2020 @ 13:51
By

Higanteng birdie pagala-gala sa QC

Sinong naglalaro ng Jumanji sa Pilipinas?

Ito ang tanong ng mga netizen, matapos makita ang video ng tumatakbong ostrich sa isang private subdivision sa Quezon City.

Bumibili si Dino Rivera nang marinig niya hindi lang isa, kundi dalawang nakawalang ostrich.

Hindi pa natukoy kung saan galing ang hayop.

Ngayong ala-una ng hapon, Agosto 4, Top 1 trending sa Twitter PH ang Jumanji, na patungkol siyempre sa pinakamalaking ibon sa daigdig.

Ang Jumanji ay isang American fantasy comedy adventure film na tungkol sa isang supernatural video game na nagpapakawala ng mga jungle creature sa tunay na buhay.

Maging si content creator Erwan Heussaff, napasabi: “Welcome to Jumanji”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?