22

Mar 12, 2020 @ 18:56
By

Higanteng’ Abante makikita na sa LRT-2!

Paniguradong magiging up to date ang mga pasahero ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa mga pumupulandit at sumasagitsit na balitang hatid ng Abante!

Sa digital advertisement sa bawat istasyon ng LRT-2 ay masisilayan na ang front page ng Abante na paniguradong swak sa panlasa ng masang Pilipino.

Tiyak na mapapatitig ang mga bawat pasahero sa mga kakaibang headline ng Abante, ang nangungunang tabloid sa Pilipinas.

Patuloy na tangkilikin ang Abante at Abante Tonite, na bukod sa tabloid ay nangunguna na rin sa mundo ng digital media sa breaking news site na Abante TNT, at mga online show na makikita sa Abante Youtube channel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?