34

Jul 28, 2021 @ 17:17
By

Hidilyn super enjoy sa biyahe

Nakatanggap ng VIP treatment si Olympic gold medallist Hidilyn Diaz habang pabalik sa Pilipinas sakay ng Philippine Airlines (PAL) flight.

Kasama ni Diaz sa eroplano ang kanyang team at si Olympic skateboard finalist Margielyn Didal.

Maliban sa masasarap na pagkain, may pa-cake at gift bag din ang PAL para kina Diaz.

“Our first Forever Flyer takes her flight back home in style! Hidilyn Diaz together with her team and our Olympic Skateboard Finalist Margielyn Didal are greeted with PAL Gift Bags by our cabin crew,” caption ng PAL.

July 26 binigyang-karangalan ni Diaz ang Pilipinas matapos hablutin sa Chinese world champion na si Liao Quiyun ang gintong medalya sa women’s weightlifting 55kg category.

Ito ang unang Olympic gold ng bansa sa loob ng halos isang siglo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?