75

Aug 27, 2018 @ 18:20

Hidilyn, Saso, PH golf team, binansagang ‘Golden Girls’

Nagsama-sama sa iisang larawan ang apat na naka-gintong medalya sa Asian Games 2018.

Sa Instagram post ni Hidilyn Diaz na naka-gold sa -56 kg. women’s weightlifting, game na siyang nag-pose kasama sina Yuka Saso (individual women’s gold medalist), at mga teammate Bianca Pagdangagan (bronze medalist) at Lois Kaye Go na nakapagkamit ng gintong medalya sa team event ng golf.

Nakalagay sa caption na ayon sa ibang Pinoy, ‘Golden Girls’ na ang tawag sa kanilang apat dahil sa karangalang naibigay sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?