25

Aug 1, 2022 @ 15:44
By

Hidilyn pinagpaliban ang honeymoon, todo ensayo na matapos ikasal

Ilang araw lang matapos ikasal, balik ensayo si weightlifting champion Hidilyn Diaz para sa pangarap na masungkit ang gintong medalya sa 2024 Paris Summer Olympics.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng husband-coach niyang si Julius Naranjo ang todo pag-eensayo ni Hidilyn matapos silang ikasal sa Baguio noong Hulyo 26.

“Back to our regularly scheduled programming. @hidilyndiaz wanted to enjoy her most important day of her life. But she never neglected her obligation to train,” saad sa caption ni Julius, kung saan makikitang nagbubuhat muli ng barbel si Hidilyn.

Dagdag ni Julius, pinagpaliban muna nila ang kanilang honeymoon para paghandaan ang nabanggit na kompetisyon.

“We’ve both decided to push back the honeymoon because of the competition’s coming up, but we know the wait is worth it,” ani Julius.

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?