44

Jul 28, 2022 @ 10:56
By

Hidilyn napadasal dahil sa lindol: Akala ko si Julius gumagalaw

Minabuti ni gold medalist Hidilyn Diaz na magdasal dahil sa magnitude 7.3 na lindol na naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.

Nabulabog kasi si Hidilyn at asawa nitong si Julius Naranjo ng lindol habang nasa isang hotel sa Baguio nitong Miyerkoles, isang araw matapos ang kanilang kasal.

Base sa Instagram post ni Noel Ferrer, mapapanood na bahagyang kabado ngunit natatawa ang mag-asawa sa kanilang naranasan.

Ayon kay Hidilyn, inakala pa niya na si Julius ang gumagalaw na dahilan ng pagyanig.

Ngunit kalaunan ay napadasala na umano siya dahil sa lakas ng pag-uga.

“Akala ko si Julius gumagalaw, pero matagal-tagal na (ang pagyanig) sabi ko, ‘kailangan ko na magdasal,'” natatawang pahayag ni Hidilyn.

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?