69

Jul 27, 2021 @ 18:16
By

Hidilyn magka-quarantine ng 7 araw

Bukas, July 28 ay balik Pilipinas na si first-ever Olympic gold medallist Hidilyn Diaz sakay ng isang Philippine Airlines flight.

Dahil sa mahigpit na health protocol, hindi na pinalawig ang pananatili ni Diaz sa Olympics.

Ani Philippine Olympic Committee president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, mandatory ang agad pag-alis sa Japan ng mga atleta, coach at opisyal maging ng media sa loob ng 48 oras matapos ang kanilang kompetisyon.

Pero sabik mang makasamang muli ang kanyang pamilya ay hindi agad magaganap ang reunion ni Hidilyn dahil kailangan niyang sumailalim sa pitong araw na hotel quarantine, saad pa ni Tolentino.

Maliban kay Hidilyn, kailangan ding mag-quarantine ang kanyang team na kinabibilangan nina Chinese coach Gao Kaiwen at conditioning coach Julius Naranjo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?