50

May 5, 2022 @ 18:32
By

Hidilyn: Kilatisin kandidato na ating iboboto

Malaking responsibilidad ang pagiging Presidente ng bansa kaya naman nagbigay-payo ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa mga botante ilang araw na lamang bago ang May 9 elections.

“5 days na lang din before ang National Election natin sa Pilipinas. Sana lahat tayo ay bumoto ng tama, bumoto ng kandidato na i-lead tayong mga Pilipino. Bumoto ng kandidato na maging sources of inspirasyon natin, bumoto ng kandidato na sa tingin natin maging magandang halimbawa sa mga kabataan,” aniya sa Instagram post.

“Gaya namin mga atleta, responsibilidad namin ang i-representa ang Pilipinas. Ang pagiging Presidente ay malaking responsibilidad, kaya naman tayong mga botante, kilatisin ng maayos ang kandidato na ating iboboto,” dagdag niya. (IS)


/*7841““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?