409

Jul 27, 2022 @ 12:45
By

Hidilyn, Julius, pinaghinalaang dahilan ng lindol

Natawa na lang si Hidilyn Diaz sa isa niyang kaibigan na pinaghinalaang sila ng asawa niyang si Julius Naranjo ang naging dahilan ng pagyanig sa hilagang bahagi ng Luzon ngayong Miyerkoles.

Sina Hidilyn at Julius ay ikinasal sa Baguio City nitong Martes. Sila ay nanatili sa naturang lungsod na hindi nakaligtas sa pagyanig.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ng Olympic gold medalist ang mensahe ng isa niyang kaibigan na pinaghinalaang sila ni Julius ang dahilan ng pagyanig.

“@imjulius @hidilyndiaz was that you two, getting raunchy?” saad ng mensahe ng isang kaibigan ng weightlifter.

Nag-react dito si Hidilyn ng apat na laughing emoji.

Samantala, sa isa pa niyang IG story, ipinakita ni Hidilyn na nasa labas sila ni Julius ng isang hotel kung saan sila tumutuloy. Tila nabulabog ng lindol ang tulog ng dalawa.

https://www.instagram.com/stories/hidilyndiaz/2891252718989460634/

https://www.instagram.com/stories/hidilyndiaz/2891279425934866908/

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?