1,365

Jul 31, 2021 @ 11:28
By

Hidilyn isiniwalat iboboto sa 2022

Sa video na ibinahagi ni dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal sa Twitter, sinabi ni Olympic gold medallist Hidilyn Diaz ang mga katangian ng pinuno na iboboto niya sa nalalapit na halalan.

“Ang iboboto ko, ‘yung pinuno na may pusong winner, hindi pusong talunan. ‘Yung maka-Diyos at makatao, hindi makasarili. ‘Yung magbibigay ng kalinga, hindi takot. Kayo rin? ‘Di ba?” saad ni Diaz.


July 26 nasungkit ni Diaz ang unang Olympic gold medal ng Pilipinas nang patumbahin ang Chinese world record holder na si Liao Qiuyun sa clean and jerk ng women’s 55kg category ng weightlifting event sa Tokyo Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?