13

Jul 29, 2021 @ 21:31
By

Hidilyn hindi pa alam gagawin sa bumuhos na biyaya

Wala pa raw sa isipan ni Hidilyn Diaz kung ano ang mga gagawin sa nag-uumapaw na blessings natamo niya nang masungkit ang unang gold medal ng Pilipinas sa Olympics.

Sabi ni Diaz sa “24 Oras”, sobra siyang nagpapasalamat sa mga biyayang ibinigay sa kanya ngunit wala siyang inaasahan noon kundi ang masikwat lamang ang gintong medalya.

Aniya, ginawa nila iyon dahil mahal nila ang Pilipinas at ang weightlifting.

“Hindi ko alam kung anong gagawin ko [sa prizes] sa ngayon. Sa totoo lang hindi ko pa alam,” wika niya.

Inulan ng mga regalo si Diaz kabilang na ang milyon-milyong cash reward, ilang bahay, mga beauty product, gasolina at iba pa matapos niyang umukit ng kasaysayan nang tapusin ang ilang siglong pagkauhaw ng Pilipinas sa Olympic gold medal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?