32

Jul 28, 2022 @ 15:31
By

Hidilyn game na magbuntis

Handa na maging mommy ang kakakasal lang na si Hidilyn Diaz.

Sa YouTube vlog ni Karen Davila, sinabi ni Hidilyn na bagaman game na game na siyang magbuntis ay hindi pa maaari.

Kinakailangan pa umano nila maghintay ng asawang si Julius Naranjo ng dalawang taon.

Balak kasi ni Hidilyn na sumabak sa Paris Olympics 2024.

“Yes, we’re planning to have our family soon. Ako, gusto na. But we’re still aiming for Paris 2024,” pagbabahagi ng gold medalist.

Nais subukan ni Hidilyn ang 59-kg weight class matapos mauwi ang gintong medalya sa 55-kg division noong Tokyo Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?