41

Jul 29, 2021 @ 13:48

Hidilyn Diaz: Simbahan unang makikinabang sa P33M

“Sa totoo lang wala pa akong plano. Syempre magbibigay ako ng tithes. Then after that I’m not sure. Alam ko magse-save ako for [m]y future.” Ito ang naging sagot ng Pinay Olympian nang tanungin kung saan niya gagastusin ang P33 million incentive na ibibigay sa kaniya ng gobyerno.

https://www.instagram.com/p/CR23TfajAT7/?utm_medium=copy_link

“@gretchenho What does @hidilyndiaz plan to do with all the cash incentives coming in? The first thing she mentions — tithes,” saad ni Gretchen Ho sa caption ng kaniyang Instagram post kung saan makikitang nakapanayam niya nang eksklusibo ang Philippine Olympic gold medalist.

Sa panayam sa kanya ni Ho, sinabi ng 30-anyos na atleta na hindi pa siya magreretiro sa weightlifting dahil sasabak pa siya sa World Championships at Southeast Asian Games.

Aniya, ayaw niya kasing bumaba ang standard ng weightlifting na ginawa ng Pilipinas.

“Is retirement up next for @diaz_hidilyn after winning the Olympic gold 🥇? Apparently not. According to Coach Julius Naranjo, her next target is to win in the World Championships, a feat she has yet to get under her belt,” saad pa sa kaniyang IG caption.

Maraming netizen naman ang natuwa dahil sa ipinakitang pagkukumbaba at pananampalataya ng atleta.

“@vnmarjorie17 TITHES. Malachi 3:10”

“@_gelinegrace God bless your heart Ms. Hidilyn”

“@charlynangeles Grabe napaka humble at generous pren”

Samantala, nabanggit din ni Diaz na plano na niyang magkapamilya ngayong tapos na ang Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?