183

Aug 1, 2021 @ 16:06
By

Hidilyn Diaz sa Oust Duterte Matrix ni Sal Panelo: Pinatawad ko na siya

“Napatawad ko na po siya. As a Catholic and a Christian, napatawad ko na po siya. Masasabi ko lang may rason kung bakit nangyari ‘yun.” Ito ang naging pahayag ni Pinay Olympian sa isang panayam kaugnay sa pagkakadawit sa kaniya noon ni dating presidential spokesman Salvador Panelo sa matrix na layong pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Taong 2019 nang ipinresenta ng Chief presidential legal counsel ang listahan sa publiko kung saan maging ang Kapamilya broadcast journalist na si Gretchen Ho ay nadawit din.

Una nang nanghingi ng pasensya si Panelo kay Diaz dahil nasaktan niya aniya ang atleta ngunit giit niya, hindi manghihingi ng tawad ang Palasyo sa kanya dahil hindi naman sila ang gumawa ng matrix at ipinresenta niya lamang ito.

“Madaling mag-apologize kung mali ang ginawa mo. Pero kung wala ka namang ginawa, ano bang ginawa ko? I just presented the matrix na wala naman akong kinalaman,” sambit ng opisyal sa isang panayam.

“Walang dapat ipag-sorry kasi hindi naman sinasama siya [sa matrix] eh. Di sya kasama eh,” dagdag pa niya.

Sa hiwalay na panayam, itinanggi ni kasalukuyang presidential spox Harry Roque na may alam siya sa naturang matrix.

“Hindi ko po alam yung sinasabi niyong matrix kasi sa tanggapan ko po, at iisa lang po ang opisyal na spokesperson ng gobyerno, ako lang po iyon, wala po kaming ganyan,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?