23

Apr 18, 2021 @ 20:46
By

Hidilyn Diaz pasok na sa Tokyo Olympics

Sigurado na ang biyahe ni Hidilyn Diaz sa Japan para sa Tokyo Olympics matapos niyang lumaban sa Asian Weightlifting Championships.

Ito’y dahil nakumpleto na ni Diaz ang kanyang requirement para makapasok sa pinakamalaking sporting event.

Ito na ang ika-apat na beses pagsalang ni Diaz sa Olympics, kung saan nagwagi siya ng silver medal noong 2016.

Bukod kay Diaz, kasama din sa Tokyo Olympics ang mga Pinoy athlete na sina EJ Obiena, Carlos Yulo, Irish Magno, Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?