34

Sep 9, 2021 @ 12:19
By

Hidilyn Diaz nagmaganda sa magasin

Bumida si Golden Girl Hidilyn Diaz sa cover ng isang magazine.

Bilang pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng Tatler Philippines, napili nila ang Olympic gold medalist bilang pinakaswak na maging mukha ng kanilang cover page.

Ibinahagi naman ng weightlifter ang ilang litrato para sa naturang isyu ng magasin.

“HAPPY 20th ANNIVERSARY TATLER for this PINOY PRIDE issue! Sa birthday ni Mama Mary, feeling ko ang ganda ko rito,” caption niya sa kanyang Instagram post.

“Sa gitna ng napakaraming challenges, nangyayari ang dapat mangyari nang maganda, mahusay at mabuti! Pagod ako nu’ng kinunan ito – pero sobrang saya ko! Ang ganda talaga!!!” dagdag pa niya.

Napa-comment naman dito si Pinay Olympian skateboarder Margieleyn Didal at sinabing: “Nice champ”

Maging sina Liz Uy at Gretchen Ho ay napanganga sa transformation ni Hidiyln.

“@markednicdao Thank youuu Hidilyn!! You made everything easy on this shoot❤️💯🙏🏾🇵🇭”

“@Lizzzuy 🥇🥇🥇🥇🥇🏆🏆🏆🏆🏆🔥🔥🔥🔥🔥”

“@amypcastillo 👏👏👏👏 happy for you @hidilyndiaz ganda! Take care!”

“gretchenho You look so good 🔥🔥🔥”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?